LIVING ON FIRE! Week 4 Day 3

Day 3 – Leading with Integrity

Theme: Consumed by Purpose
Scripture Focus: Romans 12:1–2
Bible Passage: Nehemiah 13:1–14
📖 Please open your Bible and read the full passage.


Historical Background

Pagkatapos ng spiritual revival sa Jerusalem, bumalik muna si Nehemiah sa Persia para tuparin ang kanyang tungkulin sa hari. Ngunit pagbalik niya, nakita niyang bumalik sa compromise ang mga leaders—may mga dayuhang pinatira sa temple, at ang mga handog ay hindi na inaasikaso.

Instead of ignoring it, hinarap ito ni Nehemiah nang may tapang at katapatan.
👉 He called it out, restored order, and asked God to remember his faithfulness.

Makikita natin dito na ang spiritual fire ay hindi lang nasusukat sa dami ng worship songs—kundi sa leadership na matuwid at may conviction.


Devotional Reflection

Kapag consumed ka ng purpose ni God, hindi ka tahimik kapag may compromise.
You stand up for what’s right, even when it’s uncomfortable.

🔥 Revival that lasts needs leaders who lead with integrity.

Whether ikaw man ay leader sa ministry, sa bahay, o sa trabaho—
ang calling mo ay hindi lang mag-organize kundi maging matapat sa Diyos sa harap ng pressure at opinion ng tao.

Sometimes, honouring God means:

  • Saying no when everyone else says yes
  • Confronting sin with love and firmness
  • Choosing integrity over popularity

Don’t lead for applause—lead for God’s glory.


Panalangin

Panginoon,
Bigyan N’yo po ako ng tapang na mamuno nang may integridad.
Tulungan N’yo akong manindigan para sa tama, kahit hindi ito popular.
Nawa’y makita sa leadership ko ang kabanalan Ninyo.
Amen.


Reflection Question

Handa ka bang harapin ang compromise sa paligid mo—sa puso ng pagmamahal at katotohanan?
Are you leading to please God or people?


Faith Declaration

I lead with boldness and integrity.
I am consumed by God’s purpose, not by the approval of people.


Written by: Pastor Reynante M. Trinidad

📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada