
Day 1 – Devotion That Costs Something
Theme: Consumed by Purpose
Scripture Focus: Romans 12:1–2
Bible Passage: Nehemiah 11:1–2
📖 Please open your Bible and read the full passage.
Historical Background
Matapos ma-rebuild ang pader ng Jerusalem, may isang malaking hamon pa—punuin muli ang lungsod ng mga tao.
Ang ilan sa mga leaders ay kusang-loob na nanirahan sa Jerusalem, habang ang iba ay napili sa pamamagitan ng palabunutan (casting lots) at may ilan ding boluntaryong tumugon.
Bakit kailangan ng ganyang uri ng commitment?
Dahil sa panahong iyon, ang pamumuhay sa Jerusalem ay hindi practical. Mahirap. Wala pa sa ayos ang lungsod.
Pero para sa mga consumed ng layunin ng Diyos, mahalaga ang presensya Niya higit sa ginhawa.
Devotional Reflection
Devotion that costs nothing changes nothing.
Ang tunay na revival ay hindi lang puro init ng damdamin—ito’y may kasamang sakripisyo.

The leaders stayed. Others were chosen. Some volunteered.
Lahat sila may iisang puso: “Kung ito ang kalooban ng Diyos, GO ako.”
🔥 Kapag consumed ka ng purpose ni God, handa kang iwan ang convenience para sa calling.
Ang apoy ng Espiritu ay magtutulak sa’yo mula comfort papunta sa commitment.

Panalangin
Panginoon,
Bigyan N’yo po ako ng pusong handang sumunod kahit mahirap.
Tulungan N’yo akong mamuhay hindi para sa sariling ginhawa, kundi para sa Inyong layunin.
Gamitin N’yo po ako—kahit saan, kahit kailan.
Amen.
Reflection Question
Handa ka bang pumunta o mamuhay kung saan ka gustong dalhin ng Diyos—kahit may sakripisyo?
Will you go from comfort to calling?
Faith Declaration
I live for God’s purpose, not my own comfort.
My devotion is surrendered.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada