LIVING ON FIRE! Week 3 Day 6

Day 6 – Walking with a Generous Heart

Bible Passage

Nehemiah 10:32–39
📖 Buksan ang iyong Bible at basahin ang buong talata.


Historical Background

Sa pagpapatuloy ng covenant ng mga tao, kusang-loob silang nagbigay ng mga handog para sa gawain sa tahanan ng Diyos.
Hindi sila napilitan—ibinigay nila ito nang may galak at layunin.
Makikita natin dito na ang isang buhay na nire-revive ng Diyos ay hindi lang sumusunod, kundi nagbibigay din nang bukal sa puso.

In ancient Israel, the support of the temple reflected their heart posture. Kung mahalaga sa kanila ang presensya ng Diyos, makikita ito sa kanilang generosity.


Devotional Reflection

Ang Spirit-led life ay hindi madamot.
It’s generous, joyful, and intentional.

Kapag puno ka ng Banal na Espiritu, hindi ka lang nagbibigay ng “extra”—ibinibigay mo ang pinaka-best mo, dahil alam mong lahat ng meron ka ay galing din sa Kanya.

🔥 Ang tunay na apoy ay makikita sa puso ng pagbibigay, hindi lang sa dami ng salita.

Walking in the Spirit means giving:

  • 🙌 Your time
  • 💰 Your resources
  • ❤️ Your heart

…all for God’s glory, not for personal convenience.


Panalangin

Panginoon,
Lahat ng meron ako ay galing sa Inyo.
Tulu­ngan N’yo po akong mamuhay nang may bukas-palad na puso.
Turuan N’yo akong magbigay nang may kagalakan at layunin.
Hayaan N’yo pong makita sa buhay ko ang puso ni Jesus na mapagbigay.
Amen.


Reflection Question

Ang pagbibigay mo ba—oras man o yaman—ay led by the Spirit,
o controlled ng takot, stress, o convenience?


Faith Declaration

I walk in the Spirit with a generous heart.
I give with joy—because God gave everything for me.


Written by: Pastor Reynante M. Trinidad

📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada