
Week 4, Day 4 – Setting Boundaries for Holiness

Theme: Consumed by Purpose
Scripture Focus: Romans 12:1–2
Bible Passage: Nehemiah 13:15–22
📖 Please open your Bible and read the full passage.
Historical Background
Sa muling pagbisita ni Nehemiah, nakita niya ang isang bagay na nakakalungkot:
Ang mga tao ay nagtatrabaho at nagnenegosyo sa Sabbath, ang araw na iniutos ng Diyos para sa pahinga at pagsamba.
Bilang lider, hindi siya tumahimik. Nag-set siya ng boundaries—isinara ang gates, inutusan ang mga tao na tigilan ang pangangalakal, at ipinaglaban ang kabanalan ng araw na iyon.
It was bold. It was unpopular.
But it was holy.
Devotional Reflection
Ang buhay na consumed by God’s purpose ay marunong magtakda ng boundaries—hindi dahil legalistic, kundi dahil may pinangangalagaang banal.

Hindi lahat ng okay sa mundo ay okay sa Diyos.
At hindi lahat ng urgent ay important sa kingdom ng Diyos.
🔥 Busyness, pressure, at convenience can steal the sacred—kung hindi tayo mag-iingat.
Kapag walang boundaries, nawawala ang focus.
Pero kapag may boundaries, naipapakita natin kung ano ang mahalaga sa puso natin.
Panalangin
Panginoon,
Tulungan N’yo po akong pahalagahan ang mga bagay na banal.
Turuan N’yo akong bantayan ang oras, ugali, at priorities ko.
Bigyan N’yo ako ng disiplina na mamuhay nang may boundary at may layunin.
Amen.
Reflection Question
May bahagi ba ng buhay mo kung saan pinayagan mo na ang compromise na palitan ang bagay na dapat mong ipinaglalaban?
Faith Declaration
I will protect the sacred with purpose.
My boundaries are rooted in God’s calling, not culture or convenience.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada