
Day 2 – Daily Mercy, Daily Fire
Bible Passage
Nehemiah 9:6–21
📖 Buksan ang iyong Bible at basahin ang buong talata.
Historical Background
Pagkatapos ma-rebuild ang wall ng Jerusalem (Nehemiah 6), lumipat ang focus mula sa physical restoration patungo sa spiritual renewal. Sa Nehemiah 9, nagtipon ang mga tao with fasting, sackcloth, at alikabok sa ulo bilang tanda ng repentance at humility.
Ang chapter na ito ay naglalaman ng isa sa pinakamahabang prayers of confession sa Bible.
Dito nila inalala ang kabutihan at awa ng Diyos sa buong kasaysayan ng Israel—mula sa creation, kay Abraham, sa paglabas sa Egypt, hanggang sa paglalakbay sa wilderness.
Kahit paulit-ulit silang nagkulang, hindi sila iniwan ng Diyos.
Pinatawad Niya sila. Pinangunahan Niya sila. Pinakain Niya sila.
Hindi dahil perpekto sila, kundi dahil Siya ay tapat at mahabagin.
Devotional Reflection
Ang Nehemiah 9 ay paalala na ang awa ng Diyos ay araw-araw—at ito ang dahilan kung bakit tayo nakakabangon.
Katulad ng mga Israelita, madalas tayong lumayo, lumimot, o magrebelde. Pero ang Diyos?
Consistent. Faithful. Merciful.
To walk daily in the Spirit means to remember His mercy daily.
Ang apoy ay hindi nasusustain dahil perpekto tayo—kundi dahil tayo’y naka-depende sa Diyos.

Kapag na-realize mong gaano ka-patient ang Diyos sa’yo,
you’ll stop striving to prove yourself… and start surrendering to His grace.
Panalangin
Lord,
Thank You po sa araw-araw N’yong awa.
Salamat dahil hindi Kayo sumusuko sa akin.
Keep my heart teachable and tender.
Tulungan N’yo akong magtiwala hindi sa sarili, kundi sa presensya at awa Ninyo.
Amen.
Reflection Question
Paano ka sinustentuhan ng awa ng Diyos nitong mga nakaraang araw?
Are you responding with gratitude and surrender?
Faith Declaration
Araw-araw akong lalakad kasama ang Banal na Espiritu.
Hindi sa sariling lakas, kundi sa awa at presensya ng Diyos.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
Published by: Faith + Care Life Ministries Canada