Day 40: The Overflowing Cup (Ang Basong Umaapaw)

By Pastor Reynante M. Trinidad
Date: September 12, 2025
Stronghold to Break: Settling for “Just Enough”


Scripture Focus

Psalm 23:5b (NIV) —
“You anoint my head with oil; my cup overflows.”


Daily Bible Reading

John 10:10 — Jesus came to give life to the full


Illustration

Isipin mo ang isang taong may hawak na basong kalahati lang ang laman. Ingat na ingat siya para hindi matapon. Pero dumating ang Diyos dala ang pitsel—hindi lang para punan ang kulang, kundi para apawan ang sobra. Ganyan ang puso Niya: hindi lang survival, kundi supernatural supply.


Devotional Reflection

Madalas tayong nakokontento sa “just enough”—just enough na kapayapaan para matapos ang araw, just enough na pera pambayad ng bills, just enough na lakas para makalampas.

Pero ang Psalm 23 ay hindi naglalarawan ng Diyos na “sakto lang.” Siya ay Pastol na nag-a-anoint, pumupuno, at nagpapa-apaw.

Sinabi ni Jesus: “I came that they may have life, and have it to the full.”
Hindi ito pagiging greedy—ito ay pagiging biblical. Ang overflow ay hindi kasakiman—ito ay biyaya. Upang ang iba ay mapagpala mula sa umaapaw sa iyong cup.

Hindi natatakot ang Diyos sa laki ng pangangailangan mo. Hindi Siya kuripot. Hindi Siya limitado. Ang baso mo ay nakalaan para umapaw—hindi lang para sa’yo, kundi para sa pamilya mo, simbahan, at komunidad.


Prayer Points

Personal Prayer Points

  1. Magpasalamat sa Diyos na Siya ay Diyos ng overflow, hindi ng kakulangan.
  2. Hilingin sa Kanya na palawakin ang iyong capacity na tumanggap at mag-steward ng higit pa.
  3. Ipanalangin ang kalayaan mula sa takot na humiling, mangarap, o maniwalang malaki.
  4. I-declare na ang iyong cup ay umaapaw sa pabor, kagalakan, kapayapaan, at provision.
  5. Basagin ang mindset ng limitation at barely-enough living.

Congregational Prayer Points

  1. Ipanalangin na ang simbahan ay mabuhay at makapaglingkod mula sa overflow, hindi sa pagod.
  2. Idulog ang mga leaders na ma-refresh at mapuno para makapagbuhos nang may kagalakan.
  3. I-declare ang financial, spiritual, at emotional overflow para sa mga pamilya.
  4. Ipanalangin na maging pagpapala ang simbahan sa komunidad sa pamamagitan ng kasaganaan.
  5. Magpasalamat sa Diyos para sa bagong season ng overflow sa ministry, giving, at testimonies.

Prayer of Breaking & Releasing

Ama, tinatanggihan ko ang mindset ng kakulangan at barely enough. Naniniwala akong Ikaw ay mapagbigay na Pastol. Inihahanda Mo ang mesa para sa akin. Ino-anoint Mo ako ng sariwang langis. Ang aking cup ay hindi kalahati—ito ay umaapaw. Tinatanggap ko ang lahat ng nais Mong ibuhos sa aking buhay. Hayaan Mong mamuhay ako at magbigay mula sa overflow. Sa pangalan ni Jesus, Amen.


Faith Declaration

“My cup overflows. I lack nothing. I live from God’s abundance—and I bless others from the overflow!”


Reminder

Overflow isn’t selfish—it’s stewardship. God fills your life so you can fill others.


Journal Prompt

Saang bahagi ng iyong buhay mo kailangang baguhin ang mindset mula sa “just enough” patungo sa “overflow”?
Isulat ang isang panalangin na humihiling sa Diyos na palawakin ang iyong kapasidad at pagtitiwala sa Kanyang kasaganaan.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.