
By Pastor Reynante M. Trinidad
Date: September 10, 2025
Stronghold to Break: Hopelessness in Dry Seasons
Scripture Focus
1 Kings 18:41 (NIV) —
“And Elijah said to Ahab, ‘Go, eat and drink, for there is the sound of a heavy rain.’”
Daily Bible Reading
James 5:17–18 — Elijah prayed, and rain returned to the land
Illustration
Isipin mo ang isang magsasakang nagtatanim ng buto sa tuyong lupa. Walang ulap. Walang kulog. Tanging pag-asa lamang. Pero sa taas ng langit, hindi nakikita ng mata, unti-unting nabubuo ang hamog—darating ang ulan. Ganyan ang itsura ng pananampalataya: naririnig ang ulan bago pa ito bumagsak.

Devotional Reflection
Tatlong taon na tuyot ang lupa. Walang ani, walang ulan, walang buhay. Pero si Elias, na nasa parehong tuyong lupain, nagdeklara: “May paparating na ulan.”
Hindi siya naghintay na makita ang ulap—narinig niya sa Espiritu ang hindi pa nakikita ng natural na mata.
Marami sa atin ang nasa mahabang dry season—spiritually, financially, o emotionally. Pero pakinggan mo ito: Rain is coming. 🌧️
Hindi lang pisikal na provision—kundi restoration, healing, at spiritual refreshing. Ang tagtuyot ay may hangganan. Kapag sinabi ng Diyos na panahon na, bubukas ang kalangitan.
Pero ang ulan ay hindi dumarating nang walang persistent prayer. Pitong beses nanalangin si Elias bago lumitaw ang maliit na ulap. Kaya huwag kang titigil sa pananalangin. Huwag kang titigil sa paghahasik. Panatilihin mo ang iyong posture of expectation.
Prayer Points
Personal Prayer Points
- Magpasalamat sa Diyos na ang dry seasons ay hindi tumatagal magpakailanman.
- Hilingin sa Panginoon na dagdagan ang iyong pananampalataya upang marinig ang Kanyang ginagawa bago mo ito makita.
- Ipanalangin ang lakas upang patuloy na manalangin, maghasik, at sumunod habang naghihintay.
- I-declare na matatapos na ang iyong season of drought.
- Magpasalamat nang pauna para sa ulan na paparating sa iyong buhay.
Congregational Prayer Points
- Ipanalangin ang season of refreshing at revival para sa iyong simbahan.
- Basagin ang espirituwal na katuyuan, pagod, at pagkaantala.
- I-declare ang ulan sa ministries, outreaches, finances, at discipleship.
- Idulog ang mga leaders na makatanggap ng sariwang anointing at kalinawan.
- Magpasalamat sa Diyos para sa pagbuhos ng sagot sa panalangin at mga testimonya.
Prayer of Breaking & Releasing
Panginoon, idinedeklara ko ngayon: Naririnig ko ang tunog ng malakas na ulan! Maaaring hindi ko pa ito nakikita, pero naniniwala ako sa Iyong Salita. Binabasag ko ang lahat ng kasinungalingan na laging tuyot, delayed, o mahirap. Nagtitiwala ako sa Iyong timing. Inia-align ko ang aking pananampalataya sa pananampalataya ni Elias at tinatawag ko ang ulan—sa aking buhay, pamilya, at simbahan. Hayaan Mong bumuhos ang revival. Hayaan Mong dumating ang refreshing. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Faith Declaration
“The drought is over. I hear the sound of rain. I believe, I pray, and I receive the outpouring of God!”
Reminder
The sound of rain in your spirit is proof that breakthrough is near. Don’t give up now.
Journal Prompt
Anong bahagi ng iyong buhay ang matagal nang parang tagtuyot?
Isulat ang isang prayer of faith na nagdedeklara na darating ang ulan: