Day 17: Surrender Releases Blessing (Ang Pagsuko ang Nagpapalaya ng Pagpapala)

By Pastor Reynante M. Trinidad
Date: August 20, 2025
Stronghold to Break: Control at Pag-asa sa Sarili


Scripture Focus

Proverbs 3:10 (NIV) —
“Then your barns will be filled to overflowing, and your vats will brim over with new wine.”


Daily Bible Reading

2 Hari 4:1–7


Illustration

Isang banga ng langis ang natira sa bahay ng isang balo—parang wala nang halaga. Pero nang isinuko niya ang kakaunti niyang meron, hindi naubos ang langis. Ang kanyang pagsunod ang naging susi ng himala. Kung ano ang pinapakawalan natin, iyon ang pinaparami ng Diyos.


Devotional Reflection

Ang pagpapala ng Diyos ay hindi nakukuha sa mas mahigpit na kapit, kundi sa mas malalim na pagsuko. Minsan gusto natin ng overflow nang walang obedience, ani nang walang surrender. Pero malinaw ang prinsipyo ng unang bunga: ang pagpapala ay sumusunod sa pagsuko.

Ang balo sa 2 Hari 4 ay kakaunti lang ang meron. Ngunit nang pinakawalan niya iyon, pinuno ng Diyos ang kanyang sisidlan. Ang akala natin ay kulang—pero sa Diyos, sapat na kapag isinuko.

Huwag kang maghintay na yumaman bago maging bukas-palad. Huwag mong hintayin na dumami muna bago sumunod. Ibigay mo kung ano ang meron ka, saan ka man naroroon, at makikita mong kikilos ang Diyos. Kapag binitiwan mo, Siya ang magpaparami.


Prayer Points

Personal Prayer Points

  1. Hilingin sa Diyos na tulungan kang isuko ang mga bagay na mahigpit mong hawak.
  2. Ipanalangin ang tiwala na magbigay kahit maliit lang ang meron.
  3. Basagin ang takot na baka hindi na sapat pagkatapos magbigay.
  4. Magpasalamat sa lahat ng pagpapala na hawak mo na ngayon.
  5. Anyayahan ang Diyos na pagpalain ang iyong alay ng pananampalataya.

Congregational Prayer Points

  1. Ipanalangin na tumaas ang espiritu ng pagsuko sa buong simbahan.
  2. Idulog ang mga miyembrong pakiramdam ay kulang ang kaya nilang ibigay.
  3. I-declare na kahit maliit na sakripisyo ay paparamihin ng Diyos.
  4. Ipanalangin ang katapangan sa pagsunod sa lahat ng ministeryo at pamilya.
  5. Hilingin ang sariwang testimonya ng probisyon matapos ang pagsuko.

Prayer of Breaking & Releasing

Panginoon, isinusuko ko ang nasa aking kamay. Pinipili ko ang pagsunod kaysa kontrol. Binabasag ko ang kasunduan sa takot at maliit na pananaw. Inaalay ko ang meron ako, at nagtitiwala akong pagpapalain Mo ito. Ikaw ang Diyos na nagpaparami sa isinukong bagay. Punuin Mo ang mga bakanteng bahagi ng buhay ko ng Iyong probisyon at kapangyarihan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.


Faith Declaration

“I give in faith, not fear. God blesses what I surrender to Him.”


Reminder

Kung hawak mo pa rin ito, hindi pa lubusang naisusuko. Bitawan mo—para mapalago ng Diyos.


Journal Prompt

Saan ka hinihiling ng Diyos na magtiwala sa pamamagitan ng pagbibigay o sakripisyo?
Isulat ang bagay na hawak mo—at kung paano mo ito isusuko:

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.