
Prepared by: Pastor Reynante M. Trinidad
Living Faith Christian Church of Porac
Faith + Care Life Ministries Resource
Petsa: Agosto 7, 2025
Stronghold na Dapat Mabali: Kawalang-Pakialam at Pagkahiwalay sa Layunin
Binigyang-Diin na Talata
Nehemias 1:4 (NIV) —
“When I heard these things, I sat down and wept. For some days I mourned and fasted and prayed before the God of heaven.”

Araw-a .raw na Pagbasa ng Biblia
Awit 90 — Itinuturo sa atin kung paano pahalagahan ang oras, at maghangad ng puso na marunong umunawa sa kalooban ng Diyos.
Ilustrasyon
Isipin mo ang isang bumbero na tumatakbo papasok sa nasusunog na bahay—hindi dahil gusto niya ng papuri, kundi dahil hindi niya kayang balewalain ang usok at panganib. Ganon din si Nehemias. Hindi siya nagtayo para sa posisyon—nagtayo siya dahil nasaktan ang kanyang puso para sa nasira sa puso ng Diyos.
Debosyonal na Pagmumuni-muni
Bago pa man nagbuhat si Nehemias ng bato, binuhat muna niya ang pasanin. Siya’y umiyak, nag-ayuno, at nanalangin. Ang pasanin ang nauna bago ang plano.
Marami ang gustong gumawa ng malalaki para sa Diyos, pero kakaunti ang handang umupo muna at damhin ang wasak na bahagi ng mundo—sa pamilya, sa simbahan, sa komunidad, at sa sariling buhay.
Kapag pinaramdam sa iyo ng Diyos ang bigat ng isang bagay, huwag mong takasan. Ang banal na pasanin ay hindi pabigat, kundi paanyaya na makiisa sa puso ng Diyos. Huwag mong sayangin ang luha mo—gamitin mo ito bilang panalangin. Doon nagsisimula ang pagtatayo.
Panalangin
🔹 Personal Prayer Points
- Ipanalangin na maramdaman mo ang puso ng Diyos para sa mga taong wasak at nawawala.
- Humingi ng banal na pasanin—hindi bilang bigat, kundi bilang apoy ng layunin.
- Ialay mo ang luha mo bilang panalangin ng pakikiisa.
- Ipanalangin ang karunungan kung paano tumugon sa ipinapakita ng Diyos.
- Magpasalamat na pinagkakatiwalaan ka ng Diyos na dalhin ang Kanyang puso.
🔹 Pang-kongregasyong Prayer Points
- Ipanalangin na hindi manhid ang mga miyembro sa pangangailangan sa paligid.
- Ipanalangin ang spiritual awakening sa buong church family.
- Ipanalangin ang mga leaders na magabayan ng habag at pangitain.
- Ideklara ang kagalingan sa mga lugar na wasak ang panloob na pader ng pananampalataya.
- Ipanalangin na ang simbahan ay maging tahanan ng panalangin at pagkilos mula sa tunay na pasanin ng Diyos.
Panalangin ng Pagputol at Pagpapalaya
Ama, sa araw na ito, pinipili kong putulin ang kawalang-pakialam at pagiging manhid sa spiritual na mga bagay. Ayokong lumingon sa iba—nais kong lumingon sa Iyo. Bigyan Mo ako ng pusong may malasakit para sa mga bagay na nagpapabigat din sa puso Mo. Gamitin Mo ang aking luha bilang panalangin, at ang pasanin bilang dahilan ng aking pagsunod. Huwag dahil sa guilt, kundi dahil sa pag-ibig. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Faith Declaration
“Dalangin ko ang puso ng Diyos. Ang pasanin Niya ay pasanin ko rin. Tinawag akong magtayo muli!”
Reminder
Maging sensitibo sa linggong ito sa mga lugar o taong pinapakita ng Diyos sa iyo — baka ang pasanin mo ay simula ng panibagong tagumpay.
Journal Prompt
Anong bagay ang bumabasag sa puso mo na naniniwala kang bumabasag din sa puso ng Diyos?
Isulat mo rito: (Isulat sa inyong mga aklat)