
Day 5 – Lungkot na Naging Lakas
Bible Passage
Nehemiah 8:9–12
“Huwag kayong malungkot, dahil ang kagalakan ng Panginoon ang inyong kalakasan.” — Nehemiah 8:10
Devotional Reflection
Habang binabasa ang Salita ng Diyos, ang mga tao ay napaiyak—naantig sila ng katotohanan.
Ngunit si Nehemiah ay naghatid ng pag-asa:
“Huwag kayong malungkot.”
Ipinapakita ng Salita ng Diyos ang ating pagkukulang, ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat.
Ang layunin ng Diyos ay hindi lang ang tayo’y mapaluha, kundi maranasan natin ang Kanyang kagalakan at kalakasan—lalo na sa gitna ng kahinaan at pagsubok.

Ang apoy ng revival ay hindi lang nagpapaiyak.
Ito rin ay nagbibigay ng bagong sigla.
Ito ay kagalakang hindi nakabase sa sitwasyon, kundi sa presensya ng Diyos.
Panalangin
Panginoon,
Salamat po sa paalala at pag-aliw.
Gawin Ninyong lakas ko ang Inyong kagalakan—
lalo na sa mga panahon ng lungkot at kabiguan.
Sa Inyo ako muling sisigla.
Amen.
Reflection Question
Anong lungkot o bigat ang nais ng Diyos na palitan ng kagalakan sa puso mo ngayon?
Isuko ito sa Kanya. Tanggapin ang siglang nagmumula sa Kanyang presensya.
Faith Declaration
Tinatanggap ko ang kagalakan ng Panginoon.
Ito ang aking lakas, pag-asa, at apoy.
Quote of the Day
“Revival doesn’t end with tears—true revival gives strength through joy.”
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada