
Day 3 – Diyos ang May Gawa
Bible Passage
Nehemiah 6:15–19
“So the wall was completed on the twenty-fifth of Elul, in fifty-two days. When all our enemies heard about this, all the surrounding nations were afraid and lost their self-confidence, because they realized that this work had been done with the help of our God.” — Nehemiah 6:15–16, NIV
Devotional Reflection
Sa loob lamang ng 52 araw, natapos ang pader.
Hindi dahil magaling si Nehemiah—Diyos ang kumilos.

Kapag ang Diyos ang gumagawa, kahit ang mga kaaway ay makakakita nito.
Hindi kayang itanggi ang Kanyang kapangyarihan kapag Siya ang nangunguna.
Ang tunay na revival ay may bunga:
- Hindi lang emosyon, kundi katuparan.
- Hindi lang simula, kundi kaganapan.
Ang parehong Diyos na nagsimula ng apoy sa’yo ay Siya ring tatapos ng gawain.
Kaya kung pagod ka na—alalahanin mo:
Hindi ikaw ang may gawa. Diyos ang may gawa.
Panalangin
Panginoon,
Salamat po sa lahat ng ginawa Ninyo at patuloy Ninyong ginagawa.
Tapusin Ninyo po ang Inyong gawain sa aking buhay, pamilya, at simbahan—para sa Inyong kaluwalhatian.
Hayaan Ninyo pong makita ng lahat ang kamay Ninyo sa lahat ng aming ginagawa.
Amen.

Reflection Question
Saan mo nakikita ang kamay ng Diyos na tahimik na kumikilos sa iyong buhay?
Pansinin ang maliliit na bagay—doon madalas gumawa ng himala ang Diyos.
Faith Declaration
Anuman ang sinimulan ng Diyos, tatapusin Niya.
Ibabalik ko sa Kanya ang lahat ng papuri at kaluwalhatian.
Quote of the Day
“Revival that begins with fire will end with fulfillment—when God is at work.”
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
Published by: Faith + Care Life Ministries Canada