Day 52: Overflow – A Life That Blesses Others📅 Date: September 24, 2025🧱 Stronghold to Break: Self-Centered Living

Scripture Focus
John 7:38 (NIV) —
“Whoever believes in me, as Scripture has said, rivers of living water will flow from within them.”

Daily Bible Reading
Psalm 23:5–6 —
“You anoint my head with oil; my cup overflows… surely your goodness and love will follow me all the days of my life…”

Illustration
Isipin mo isang baso na nasa ilalim ng umaapaw na gripo. Punong-puno na, tapos umaapaw hanggang mabasa lahat ng nasa paligid. Ganyan ang buhay natin kay Cristo—hindi lang puno, kundi umaapaw para sa iba.

Devotional Reflection
Hindi ka dumaan sa 52 days na ito para lang sa sarili mo. Pinuno ka ng Diyos para makapagdala ng pagpapala sa iba.
Ang spirit of poverty nagsasabi: “Wala akong sapat.”
Pero ang Spirit of Christ nagsasabi: “Sapat na at sobra pa—ibahagi mo.”

Ang tunay na buhay ng overflow ay yung nagbibigay lampas sa sarili—through love, generosity, intercession, encouragement, at acts of faith. Ang overflow mo ay nagdadala ng healing, hope, at revival sa iba.

Tandaan: Ang kabutihan ng Diyos ay hindi dapat itago, kundi i-flow.
Ngayong natapos ang 52 days, hindi ibig sabihin tapos na ang work ni Lord. Mas lalo lang itong magsisimula. Keep giving. Keep pouring. Keep living the life that blesses others.

🙏 Prayer Points

🔹 Personal Prayer Points

  • Pasalamatan si Lord sa lahat ng ginawa Niya sa past 52 days.
  • Humingi ng tulong kay Lord na mamuhay araw-araw in overflow—ng peace, power, and purpose.
  • Mag-pray for continuous outpouring of the Holy Spirit.
  • Commit na maging vessel ng encouragement at generosity.
  • Ask God ipakita kung sino ang tinatawag mong i-disciple o i-bless.

🔹 Congregational Prayer Points

  • I-pray na ang church ay magpatuloy sa overflow beyond this campaign.
  • I-declare na magiging channel of blessing ang church sa community.
  • Mag-pray for harvest of souls, testimonies, and transformed lives.
  • Humingi ng multiplication sa bawat seed na naitanim sa season na ito.
  • I-dedicate ang future ng church—ang vision at ministries—kay Lord.

🙏 Prayer of Breaking & Releasing
Ama, salamat po sa bawat victory, breakthrough, at answered prayer nitong 52-day journey. Tinatanggihan ko ang buhay ng limitation at kakulangan. Tinatanggap ko ang buhay ng overflow. Hayaan Mo na ang aking salita, gawa, pagbibigay, at panalangin ay maging pagpapala sa iba. Punuin Mo ulit ako ng Iyong Spirit, at hayaang dumaloy mula sa akin ang rivers of living water. Nawa’y ang buhay ko ay magbigay kaluwalhatian sa Iyo. In Jesus’ name, Amen.

Faith Declaration
“Namumuhay ako sa overflow! Ako ay pinagpala para maging pagpapala. Dadalhin ko ang apoy na ito pasulong—sa pananampalataya, pag-ibig, at layunin.”

Final Reminder
Natapos na ang 52 days, pero dito pa lang nagsisimula ang overflow. Keep building. Keep praying. Keep believing. Hindi pa tapos si Lord—He’s just getting started!

Final Journal Prompt
Isulat ang iyong personal testimony kung ano ang ginawa ng Diyos sa’yo nitong 52 days.
I-declare kung ano ang pinaniniwalaan mong susunod na gagawin Niya.


Congratulations, Living Faith Family!
Natapos ninyo ang 52-Day Prayer and Devotional Campaign: Breaking the Spirit of Poverty – Discovering God’s Abundant Way of Life!

From: Pastor Reynante Trinidad

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.