
Date: September 21, 2025
Stronghold to Break: Stagnation and Powerlessness
Scripture Focus
Luke 10:19 (NIV) —
“I have given you authority… to overcome all the power of the enemy; nothing will harm you.”
Daily Bible Reading
Isaiah 61:1–3 — “The Spirit of the Sovereign Lord is on me, because the Lord has anointed me…”
Illustration
Isipin mo ang isang sundalo na nakatayo sa gilid ng labanan, hindi sigurado kung kaya niya—hanggang sa bigyan siya ng espada ng kanyang commander at sabihing, “Handa ka na.”
Ganito rin tayo. You’ve been equipped, anointed, and commissioned—not to retreat, but to advance.
Devotional Reflection
Darating ang punto sa buhay ng bawat Kristiyano na sasabihin ng Diyos: “Panahon na para umusad.”
Matapos ang mga araw ng pag-break ng strongholds at pag-renounce ng mga kasinungalingan, ngayon tinatawag ka ng Diyos para lumakad sa authority na binigay Niya.
Si Jesus ay hindi lang nagligtas sa’yo mula sa kasalanan—He empowered you for mission.
Hindi ka biktima ng sitwasyon. You are anointed to carry God’s presence, to release blessing, and to walk in the authority of Christ.
Hindi ito panahon para umatras. Ito ang panahon para tumayo sa pananampalataya, magsalita nang may tapang, at lumakad nang may kumpiyansa. The Spirit of the Lord is upon you—for a reason. You are anointed to heal, to restore, to proclaim freedom, and to advance God’s Kingdom.
Prayer Points
🔹 Personal Prayer Points
- Magpasalamat sa Diyos para sa anointing ng Holy Spirit sa buhay mo.
- I-renounce ang takot, pagiging passive, at spiritual stagnation.
- Ideklara na ikaw ay equipped at empowered para lumakad sa authority.
- Hilingin ang tapang na gumawa ng bagong hakbang sa iyong calling o ministry.
- Idalangin ang wisdom at humility para dalhin ang authority ni Christ nang tama.
🔹 Congregational Prayer Points
- Ipanalangin na ang church ay lumago sa spiritual maturity at confidence.
- Ideklara ang bagong season ng advancement para sa ministries, pamilya, at leaders.
- Break the spirit of timidity at i-release ang bold faith sa buong congregation.
- Ipanalangin ang open doors at divine opportunities to serve and influence.
- Idalangin na ang church ay lumakad sa healing, deliverance, at power ng Holy Spirit.
Prayer of Breaking & Releasing
Ama, salamat sa authority at anointing na inilagay Mo sa aking buhay. Binabasag ko ang bawat kasinungalingan na nagsasabing ako’y powerless, unworthy, o unqualified. Tinatanggap ko ang mantle of purpose at kapangyarihan ng Holy Spirit. I declare na hindi ako mananatiling nakatigil—I will advance by faith. Gamitin Mo ako para magdala ng healing, truth, at hope saan man ako pumunta. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Faith Declaration
“I am anointed to advance. I carry the presence, power, and purpose of God. I walk in blessing and authority!”
Reminder
You weren’t saved to sit—you were anointed to move. Step into the authority God has already given you.
Journal Prompt
Saang bahagi ng iyong buhay o ministry tinatawag ka ng Diyos na mag-step forward in faith?
Isulat ang isang hakbang ng obedience na gagawin mo ngayong linggo.