
By Pastor Reynante M. Trinidad
Date: August 29, 2025
Stronghold to Break: Mismanagement and Materialism
Scripture Focus
1 Chronicles 29:14 (NIV) —
“But who am I, and who are my people, that we should be able to give as generously as this? Everything comes from You, and we have given You only what comes from Your hand.”

Daily Bible Reading
2 Corinto 8:1–5
Illustration
Isipin mo ang isang bata na binigyan ng pera ng kanyang magulang upang bumili ng regalo para rin sa magulang na iyon. Masayang nagbigay ang bata, alam niyang galing din lahat sa magulang mula sa simula. Ganito ang pagbibigay natin sa Diyos. Ang lahat ay mula sa Kanya—ibinabalik lang natin ang nanggaling sa Kanyang kamay.
Devotional Reflection
Ang stewardship ay higit pa sa pagbibigay ng ikapu—ito ay kung paano natin pinamamahalaan ang lahat ng pera ng Diyos, hindi lang ang isang bahagi nito. Ito ang naunawaan ni David nang siya’y nagbigay para sa pagtatayo ng templo. Alam niya: “Hindi akin ito. Galing lahat ito sa Diyos.”
Hindi sinusukat ng Diyos ang generosity batay sa halaga, kundi sa puso, sa tamang pamamahala, at sa layunin nito. Hindi tayo nagbibigay at gumagastos gaya ng mundo—tayo ay namamahala ng resources na may isip-Kaharian.
Kasama sa stewardship ang pagbibigay, pag-iimpok, tamang pagbadyet, pagpapala sa iba, at pagtatanim kung saan dinadala ng Diyos. Kapag in-align natin ang ating finances sa Kanyang layunin, makakaranas tayo ng kalayaan, layunin, at overflow—hindi lamang para sa atin, kundi para rin sa iba.
Prayer Points
Personal Prayer Points
- Hilingin sa Diyos na tulungan kang pamahalaan ang iyong pananalapi na may layunin para sa Kaharian.
- Pagsisihan ang pagiging magastos, padalos-dalos, o kapabayaan sa paghawak ng resources Niya.
- Ipanalangin ang wisdom sa pagbibigay, pag-iimpok, at paggastos.
- Isuko ang lahat ng plano at habits sa pananalapi sa pamumuno ng Diyos.
- Magpasalamat na pinagkatiwalaan ka Niya ng resources upang pangasiwaan.
Congregational Prayer Points
- Ipanalangin na ang simbahan ay maging matalinong katiwala ng finances nito.
- Idulog ang mga miyembrong nakakaranas ng financial stress upang matagpuan ang kaayusan at probisyon ng Diyos.
- Hilingin sa Diyos na magtayo ng mga mapagkakatiwalaang Kingdom financiers.
- I-declare ang espiritu ng integridad at kahusayan sa lahat ng financial dealings.
- Ipanalangin ang karunungan sa pagbadyet ng simbahan, fundraising, at outreach giving.
Prayer of Breaking & Releasing
Ama, kinikilala ko na bawat sentimo na nasa akin ay galing sa Iyo. Binabasag ko ang kasunduan sa materialism, kasakiman, at maling pamamahala. Isinusuko ko ang aking finances sa Iyong kalooban. Turuan Mo akong mamahala, magbigay, at gumastos sa paraang nagbibigay-luwalhati sa Iyo at nagpapalago ng Iyong Kaharian. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Faith Declaration
“My finances are a tool for the Kingdom. I will steward them with wisdom and generosity.”
Reminder
Hindi ka lang namamahala ng pera—namamahala ka ng misyon.
Journal Prompt
Anong financial habits ang kailangan mong i-align sa prinsipyo ng Diyos sa stewardship?
Isulat ang isang area na iyong isusuko at isang action step na gagawin mo ngayong linggo:
Area to surrender: ____________________________________
Action step this week: _________________________________