Day 13: Trusting the Giver, Not the Gift (Magtiwala sa Nagbibigay, Hindi Lang sa Biyaya)

By Pastor Reynante M. Trinidad
Petsa: Agosto 16, 2025
Stronghold na Babasagin: Pagsandal sa Materyal na Pagpapala


Susing Talata

Santiago 1:17 (NIV) —
“Every good and perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows.”

Araw-araw na Pagbasa

Awit 121


Ilustrasyon

Isipin mo ang isang bata na nakatanggap ng regalo mula sa magulang—bagong damit, laruan, pagkain. Pero isang araw, nakalimutan niyang magpasalamat dahil masyado siyang nakatuon sa regalo at hindi sa nagbigay.
Gaano kadalas nating nagagawa iyon sa Diyos?


Debosyonal na Pagninilay

Siya ang Pinagmulan. Lahat ng mabuting bagay na tinatamasa natin—kalusugan, oportunidad, panustos, lakas—ay galing sa Kanya.
Pero minsan, mas napagtitiwalaan natin ang regalo kaysa sa Nagbibigay. Panatag tayo kapag puno ang bank account, at balisa kapag hindi.

Ang tunay na pananampalataya ay matatag—hindi dahil sa hawak natin, kundi dahil sa Siyang may hawak sa atin. Huwag mong hayaan na ang iyong kapayapaan ay depende sa finances, trabaho, o ari-arian. Ibalik mo ang tingin sa Isa na hindi nagbabago.

Pagtiwalaan mo ang puso ng Ama—hindi lang ang mga pagpapala mula sa Kanyang kamay.


Personal na Mga Punto ng Panalangin

  1. Hilingin sa Diyos na i-realign ang puso mo upang Siya lamang ang iyong pagkatiwalaan, hindi materyal na bagay.
  2. Ipahayag at pagsisihan ang mga pagkakataong mas naging dependent ka sa provision kaysa sa Provider.
  3. Ipanalangin ang mas malalim na relasyon sa Diyos, hindi lang sa Kanyang mga pagpapala.
  4. Magpasalamat sa Kanya bilang tapat at di-nagbabagong Diyos.
  5. Isuko ang iyong mga expectations at ituon muli ang puso kay Jesus.

Panalangin para sa Iglesia

  1. Ipanalangin na ang simbahan ay mas hanapin ang mukha ng Diyos kaysa sa Kanyang kamay.
  2. Idulog ang mga miyembro na nadarama ang layo ng Diyos dahil sa kakulangan sa pananalapi.
  3. I-declare ang panibagong intimacy ng buong iglesia sa Diyos.
  4. Hilingin sa Diyos na alisin ang mga idolo ng comfort, pera, o kontrol mula sa katawan ni Cristo.
  5. Ipanalangin na ang pagtitiwala sa Diyos—hindi sa sitwasyon—ang maging kultura ng simbahan.

Panalangin ng Pagbasag at Pagpapalaya

Ama, pinagsisisihan ko ang mga panahon na mas nagtiwala ako sa Iyong mga regalo kaysa sa Iyo. Binabasag ko ang kasunduan sa maling seguridad na nakabatay sa mga bagay na kumukupas. Ikaw ang aking bahagi, Tagapaglaan, at Kapayapaan. Ngayon, pinipili kong ituon ang aking mata hindi lang sa ibinibigay, kundi sa Nagbibigay. Ikaw ay sapat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.


Deklarasyon ng Pananampalataya

“Ang pag-asa ko ay nasa Diyos, hindi sa pera o bagay. Mas pinagkakatiwalaan ko ang Nagbibigay kaysa sa biyaya.”


Paalala

Suriin kung ano ang sumasakop sa iyong pansin—ibalik ito sa Nagbibigay ngayon.


Journal Prompt (Isulat sa iyong notebook)

Mas matatag ba ang iyong pananampalataya sa magagandang panahon kaysa sa mahihirap? Bakit?
Isulat ang iyong pagninilay at muling ipahayag ang pagtitiwala mo sa Diyos:

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.