
Day 3 – Spirit-Led Conviction
Bible Passage
Nehemiah 9:22–31
📖 Buksan ang iyong Bible at basahin ang buong talata.
Historical Background
Sa pagpapatuloy ng Nehemiah 9, inalala ng mga tao kung paano sila paulit-ulit na lumayo sa Diyos, pero hindi sila pinabayaan.
Tuwing sila’y tumatawag sa Kanya, nagpadala ang Diyos ng mga tagapagligtas (deliverers). Kahit sila’y matigas ang ulo, ang Diyos ay matatag sa Kanyang awa at pagtawad.
Ang bahagi ng kasaysayang ito ay nagpapakita ng consistent na pag-ibig ng Diyos—na kahit tayo ay hindi tapat, Siya ay laging handang tumanggap, umunawa, at muling magligtas.
Devotional Reflection
Ang Spirit-led life ay hindi lang puro saya o emotional high.
Ito ay isang matapat na pagsusuri ng puso—pagtanggap ng pagkukulang, at pagyakap sa biyaya ng Diyos.
Conviction is not condemnation.
Hindi ito para ikaw ay mahiya at lumayo. Ito ay paanyaya ng Banal na Espiritu na lumapit muli sa Ama.

Minsan, ginagawang normal ng mundo ang kasalanan o spiritual laziness.
Pero kapag ikaw ay guided ng Espiritu, hindi mo kayang bale-walain ang boses ng Diyos sa puso mo.
Ang tunay na revival ay may kasamang conviction na may layunin:
Hindi para manliit, kundi para magbago.
Panalangin
Holy Spirit,
Convict me in love and draw me into deeper obedience.
Ayokong maging manhid sa Inyong boses, at ayokong abusuhin ang Inyong biyaya.
Baguhin N’yo po ang puso ko at gabayan ako araw-araw.
Amen.
Reflection Question
Tinutugunan mo ba ang conviction ng Espiritu?
O pinapasanay mo na lang ang sarili mo sa kasalanan o spiritual na katamaran?
Faith Declaration
I welcome conviction.
I choose to walk in honesty and grace—because the Spirit is leading me daily.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
📘 Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
📣 Published by: Faith + Care Life Ministries Canada