
Theme: Ignite – Walking Daily in the Spirit
Scripture Focus: Galatians 5:16–25
Day 1 – The Spiritual Opposition is Real
Bible Passage
Nehemiah 9:1–5
Buksan ang iyong Bible at basahin ang buong talata.
Devotional Reflection
Muling nagtipon ang mga tao—this time with fasting, repentance, at paghiwalay sa mga hindi maka-Diyos na impluwensya.
Hindi lang ito isang emosyonal na sandali, kundi isang araw ng spiritual awareness.

Ang pamumuhay sa Spirit ay nangangahulugang kilalanin at harapin ang anumang humahadlang sa ating spiritual growth.
Yes, the Holy Spirit comforts, pero Siya rin ay nagko-convict.
Kapag totoo ang revival, kailangan nang bitawan ang compromise.
Hayaan mong ang Banal na Espiritu ang mag-lead sa mga desisyon at priorities mo today.
Panalangin
Banal na Espiritu,
Siyasatin Mo ang puso ko at ipakita kung may bagay na humahadlang sa relasyon ko sa Iyo.
Linisin Mo ako. Ihiwalay Mo ako para sa Iyong layunin.
Amen.
Reflection Question
May ipinapahiwalay ba sa iyo ang Diyos para makalakad kang mas malapit sa Kanya?
Faith Declaration
Pipiliin kong mamuhay ayon sa Banal na Espiritu.
Iiwan ko ang anumang hindi kalugud-lugod sa Diyos at lalakad ako ayon sa Kanyang gabay.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
Published by: Faith + Care Life Ministries Canada