LIVING ON FIRE! Week 2 Day 4

Day 4 – Pusong Handang Makinig

Bible Passage:

Nehemiah 8:1–12

“They read from the Book of the Law of God, making it clear and giving the meaning so that the people understood what was being read… Then all the people went away… to celebrate with great joy, because they now understood the words that had been made known to them.” — Nehemiah 8:8,12 (NIV)


Devotional Reflection:

Pagkatapos maitayo ang pader, nagtipon ang buong bayan—hindi upang ipagdiwang ang tagumpay, kundi upang makinig sa Salita ng Diyos.

Tumayo sila nang matagal.
Nakinig sila nang may paggalang.
Umiiyak sila habang nauunawaan ang katotohanan.
At pagkatapos, sumamba sila nang may galak.

Ito ang larawan ng tunay na revival
Hindi lang emosyon ang gumagalaw, kundi ang puso ay tumatalima sa Salita.

Ang tunay na pagbabago ay nangyayari kapag nagtagpo ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang Salita.
Lilipas ang emosyon—ngunit ang katotohanan ng Diyos ay nananatili at nagpapaalab ng apoy sa ating puso.


Panalangin:

Panginoon,
Ihanda N’yo po ang puso ko para sa Inyong Salita.
Gawin N’yo akong mapagpakumbaba at masigasig na sumunod.
Huwag N’yo pong hayaan na pumasok lang ito sa aking tenga, kundi itanim N’yo po ito sa aking puso.
Nais ko pong magalak sa Inyong katotohanan. Amen.


Reflection Question:

Kailan ka huling naantig at nabago ng Salita ng Diyos?
Naalala mo ba ang isang pagkakataon na tila sinadya Niya ang Salita para sa’yo?


Faith Declaration:

Mamahalin at susundin ko ang Salita ng Diyos.
Ito ang magbabago ng aking buhay at magpapaningas ng apoy sa aking puso.


Quote of the Day:

Revival is not just about feeling—it’s about following the truth.


🖊️ Written by: Pastor Reynante M. Trinidad

Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac

Published by: Faith + Care Life Ministries Canada