Nakatuon at Hindi Nadidistract

Day 2 – Nakatuon at Hindi Nadidistract

📖 Nehemiah 6:1–14

🕯️ Devotional Reflection

Sinubukang ilihis ng mga kaaway si Nehemiah—inaanyayahan siya sa mga meeting at pinapakalat ang mga kasinungalingan. Pero malinaw ang sagot niya:

“Gumagawa ako ng mahalagang gawain, kaya’t hindi ako makakababa.” (v.3)

Ganito rin ang klaseng apoy na gusto ng Diyos sa puso mo—yung hindi nadadala ng takot, chismis, o pang-aakit. Kapag gumagawa ka para sa Diyos, asahan mong may distraction. Pero manatili ka sa pader.

Focus lang. Wag kang bumaba.

🙏 Panalangin

Panginoon, bigyan N’yo ako ng matinding focus.
Tulungan N’yo akong huwag magpaapekto sa mga distraction o pressure.
Tapusin ko nawa ang gawaing ibinigay N’yo sa akin nang may tapang at pananampalataya.

💭 Reflection Question

Anong distraction ang sinusubukang ilayo ka sa tawag ng Diyos ngayon?

🔖 Faith Declaration

Hindi ako bababa.
Gumagawa ako ng mahalagang gawain para sa Diyos at matatapos ko ito.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.

Tara! Maging bahagi ng Living Faith Family.

Makakatanggap ka ng devotionals, church updates, at mga mensahe ng pag-asa - direkta sa inbox mo.

HIndi kami nag-spa-spam. Pwede kang mag--unscribe anytime.