
WEEK 2 DEVOTIONAL
Theme: Revived – Living After the Encounter
Nehemiah Series
Day 1 – Panatilihing Buhay ang Apoy
Nehemiah 5:1–13
(Buksan ang iyong Bible at basahin ang buong talata.)
Devotional Reflection
Minsan, hindi ang mga problema sa labas o sa paligid ang pumapatay ng apoy natin—kundi yung nangyayari sa loob sa kaloob looban mo. Sa Nehemiah 5, nakita natin ang mga mayayaman na inaabuso ang mahihirap, at nasisira ang pagkakaisa ng mga nagtayo ng pader.
Pero hindi ito pinalampas ni Nehemiah. Hinarap niya ito na may takot sa Diyos at may karunungan. Ang totoong revival ay hindi lang tungkol sa emosyon—kundi sa katapatan at kabanalan. Zeal without justice becomes selfish.
Kung gusto natin ng revival na tumatagal, dapat nating ayusin kahit yung mga kasalanang nasa loob ng kampo.
🙏 Panalangin
Panginoon, tulungan N’yo po kaming protektahan ang pagkakaisa at kabanalan ng simbahan.
Linisin N’yo po ang aming mga puso mula sa kayabangan, kasakiman, at kawalang-katarungan.
Gawin N’yo pong dalisay ang apoy sa amin. Amen.
Reflection Question
May bagay ba sa puso mo o sa paligid mo na nagpapalungkot sa Banal na Espiritu?
Paano ka makakatulong para maibalik ang pagkakaisa at katuwiran?

Faith Declaration
Mamumuhay ako nang may passion at integridad.
Hindi ko hahayaang patayin ng compromise ang apoy ng Diyos sa buhay ko.
Written by: Pastor Reynante M. Trinidad
Prepared for: Living Faith Christian Church of Porac
Published by: Faith + Care Life Ministries Canada