🔥 Still Standing, Still Burning

(Matatag Pa Rin, Nagliliyab Pa Rin)

đź“– Mga Talata

“Kahit ako’y lumakad sa gitna ng kaguluhan, iingatan Mo ako. Iuunat Mo ang Iyong kamay laban sa galit ng aking mga kaaway; ililigtas Mo ako sa pamamagitan ng Iyong kanang kamay.”
— Awit 138:7 (MBBTAG)

“Ang apoy sa altar ay dapat panatilihing nagniningas, hindi ito dapat mamatay.”
— Levitico 6:12


đź’­ Debosyonal na Pagmumuni-muni

Sa ating 40 Days of Prayer, naranasan natin ang revival at resistance—pagbuhos ng apoy ng Diyos at kasabay na pag-uga ng kalaban.

Habang ako ay nagpe-prepare ng mga teaching manuals, booklets, at prayer tools para sa simbahan, sunod-sunod ang pagsubok na dumating sa amin ng aking asawa.

Nagsimula ito sa isang aksidente sa sasakyan—at hindi doon nagtapos.

After na maayos ang body ng Nasira sa sasakyan niya may mga lumabas na problema after just a couple days na ginagamit ang sasakyan at ang dahilan ay sa transmission failure at umabot ng halos $5,000 ang gagastusin sa pag-aayos.
Sumunod, ang kotse ko naman ang nagkaproblema—nabiyak ang salamin, at may kakaibang tunog habang umaandar.

Parang walang katapusang atake.

Pero sa gitna ng lahat ng ito, may mas malalim na ginagawa si Lord.

  • Sa halip na matakot, binigyan ng Diyos ang asawa ko ng kapayapaan.
  • Sa halip na mag-panic, nakatanggap kami ng linaw at direksyon.

At nung nakaraang Linggo sa sermon, pinatunayan ni Lord ang lahat:
“Ito ang pagyanig. Ito ang apoy. Pero kasama natin ang Diyos.”


❤️ Tapat Na Mensahe Mula Sa Puso ng Iyong Pastor

Kapag ikaw ay nagtatanim, nagtuturo, o gumagawa ng anumang bagay para sa Kaharian ng Diyos—huwag kang magtaka kung may pagyanig.
Pero higit sa lahat—huwag kang matakot.

Hindi ka sinisira ng apoy.
Pinapadalisay ka nito. Pinapalakas. Pinapanday. At ipinapakita sa iyo ang Diyos na kailanman ay hindi umaalis.

Bilang iyong pastor, gusto kong malaman mo na hindi ka nag-iisa.
Ako mismo ay dumaan din sa apoy. Nayanig din. Pero nakita ko rin kung gaano katapat ang Diyos kahit sa gitna ng pagsubok.

Kaya kapag tumaas ang pressure at dumami ang problema, alalahanin mo ito:
Kasama mo ang Diyos.
Hinuhubog ka Niya.
At Siya ang magpapatatag sa’yo.

Inihahanda ka ng Diyos para sa milagro mo, sa kasagutan sa panalangin mo, at sa promotion mo.
🔥 Panatilihing buhay ang apoy—patuloy kang manalangin, patuloy kang manampalataya sa pangalan ni Jesus!


🙏 Panalangin ng Deklarasyon

“Panginoon, kahit nasisira ang sasakyan…
Kahit may biglaang gastos…
Kahit napapalibutan kami ng pressure—hindi kami matitinag.

Salamat sa kapayapaang hindi kayang unawain.
Salamat dahil Ikaw ang aming kalakasan, kalasag, at tagapagtaguyod.

Hindi mamamatay ang apoy—dahil Ikaw ang nagsindi, at Ikaw rin ang nagpapanatili.

Amen.”


🛡️ Panalangin ng Proteksyon para sa Mga Miyembro at Pamilya ng LFCCOP

Amang nasa Langit, sa pangalan ni Jesus, itinataas ko ang bawat miyembro ng Living Faith CCOP at kanilang pamilya.
Idinideklara ko ang banal na proteksyon sa kanilang mga tahanan, kalusugan, finances, at isipan.

Walang sandata ng kaaway ang magtatagumpay laban sa kanila.
Takpan Mo sila ng mahalagang dugo ni Jesus mula ulo hanggang paa.

Ilagay Mo sila sa palibot ng Iyong apoy, at magpadala Ka ng mga anghel upang bantayan sila sa lahat ng kanilang lakad.
Hayaang maghari ang kapayapaan sa kanilang puso at buong sambahayan.

Panginoon, ingatan Mo ang kanilang pag-alis at pagbalik.
Protektahan Mo sila laban sa lahat ng bitag ng kaaway.
Nagpapasalamat kami sa Iyong katapatan, at idinideklara naming:
Ang tagumpay ang bandila Mo sa pamilya ng simbahang ito.
Sa pangalan ni Jesus. Amen.


📌 Panghuling Paalala

Mga pastor, leaders, intercessors—totoo ang laban.
Totoo ang pagyanig.
Pero higit sa lahat, totoo rin ang biyaya.
Panatilihing nagniningas ang apoy. 🔥

Isang paalala mula sa iyong lingkod,
Pastor Reynante M. Trinidad
Patuloy tayong lalakad sa apoy ng pananampalataya. Hindi susuko. Hindi magigiba.