
Week 1 has come to a close, pero ang dalangin ko ay hindi doon natatapos ang iyong journey of faith. Sa halip, nawa’y lalo pa itong lumalim, tumibay, at maging buhay na buhay sa bawat araw.
Alam kong para sa karamihan sa atin, hindi madaling mag-memorize ng Bible verses. Pero naniniwala ako na habang paulit-ulit nating binabasa at pinakikinggan ang Salita ng Diyos, unti-unti itong bumabaon sa ating puso at isipan. Sabi nga sa Psalm 119:11, “I have hidden Your word in my heart, that I might not sin against You.”
Kaya huwag kang susuko. Huwag kang magdahilan. Sanayin natin ang ating sarili na sumunod sa Diyos kahit sa panahon ng pagsubok. Ang pananampalataya ay hindi lang para sa magagandang araw—ito’y para sa araw-araw.
Bago tayo magpatuloy, balikan natin sandali ang Week 1: Living by Faith
Week 1 Summary: Living by Faith
Key Verse: “The righteous will live by faith.” – Romans 1:17 (NIV)
Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan:
- Ang pananampalataya ang pundasyon ng ating buhay-Kristiyano.
Ito’y kailangan sa araw-araw—sa ating mga desisyon, kilos, at paglilingkod sa Diyos. - Ang pananampalataya ay lumalalim sa Salita ng Diyos.
Habang tayo’y nagbabasa, nagmumuni-muni, at sumusunod sa Salita Niya, tumitibay ang ating tiwala. - Ang Diyos ay nalulugod sa may pananampalataya.
“Without faith it is impossible to please God.” – Hebrews 11:6 - Ang tunay na pananampalataya ay may kasamang gawa.
Hindi ito passive. Ito’y panalangin, aksyon, at pagsunod kahit mahirap. - Ang pananampalataya ay sinusubok upang mapatibay.
Ang mga trials ay pagkakataon para mapalapit pa tayo kay Lord at magtiwala ng mas malalim. - Ipahayag mo araw-araw ang mga pangako ng Diyos.
Speak life. I-declare mo ang Kanyang mga salita sa iyong pamilya, church, at kinabukasan. - Si Jesus ang Simula at Tagatapos ng ating pananampalataya.
Sa Kanya tayo laging tumingin—lalo na kapag mahina na tayo.
“Nawa ang natitirang araw ng Week 2 na ito ay maging inspirasyon sa ating lahat ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos.”

Let’s continue the journey together—by grace, through faith, with purpose.
Pastor Rey Trinidad